Isa akong magulong tao..<grins> Sobrang OPINIONATED sa
takbo ng mundo... madali akong magsawa sa mga walang kwentang bagay at sa
paggawa ng mga boring na bagay. Madalas na gusto kong nag-iisa, walang kasama, namamasyal
mag-isa at higit sa lahat ay ang kumain ng mag-isa...
mahilig akong magkalkal ng mga librong nakaimbak sa bahay...
sobrang hilig ko ang magbasa...
Mahilig din pala ako sa pakikinig ng kwentong buhay ng isang
tao.. yun bang uupo kami sa isang sulok at magkwekwentuhan although wala naman
akong maikwekwento kasi nga si ako marunong magkwento...hahaha...boooring kasi
kapag ako ang nagkwekwento...
I love to meet different people...tamad akong magtext at
hindi ako mahilig sa tawag tawag... I'm all in business matters...
Hindi
naman ako loner... sadyang iritado lang ako sa mga magugulong bagay at kausap..
kasi nga magulo na ako di ba? eh kung may kasama pa ako at kausap ding magulo,
panu na lang kami? eh di magugunaw na mga glaciers kapag nagkataong ganun..hahaha
Di ako palalalabas na tao. Kumbaga, kung mabait ako, almost
nasa loob lang ako ng bahay. Pero kapag tinupak naman ang ulo ko, kahit
bumabagyo, lumalabas ako.. PROMISE!
pangarap ko ang maging isang "WRITER", kaya nga
kahit papanu, prinapractice ko na ang magsulat... kaya lang...isa akong taong
tamad minsan... grabe... sarili ko nga di ko minsan mautusan eh...pero kapag
sobrang inspired at sobrang sipag kong magsulat, nagugulat na lang ako sa
sarili kasi nakakatapos ako ng isang maikling kwento, tula, atbp...
Ewan ko ba... magulo talaga ako...
Masayahing tao, kalog, mahilig tumawa at pinanghahawakan ko
ang paniniwalang ito sa buhay ko..." Live your life everyday as if it is
the last day of your life"... o di ba? say?
Gusto kong makakilala ng mga bagong tao na pwede kong maging
mga kaibigan... I wanna meet people na may sense of humor kasi seryoso akong
tao---minsan. hahaha tsaka yung pinakamatindi sa lahat...yung may sense na
tao... yung katulad or yung medyo nagkakaintindihan kami ng daloy ng utak...
SMILE!!!
Heto na ang SIMULA...