Friday, May 10, 2013

Huwag maging MATAPOBRE!

Parte na ng buhay ng tao ang 'di pantay-pantay na tingin ng bawat isa. Pero hindi ko naman sinasabing lahat na. Meron pa din namang mga tao na marunong umunawa at marunong tumingin ng pantay sa kapwa.

Minsan, napapansin ko, ang daming matapobre sa mundo. Bakit? Dahil mayaman sila, mas angat ang uri ng buhay nila, samantalang yung iba, nagkakasya na lang sa wala.

Minsan din naman, napapansin ko, yun pang mga taong walang-wala, sila pa yung may ganang manghingi ng manghingi sa kapwa nila, tapos kapag 'di nabigyan, sila ay nagdaramdam.

Ewan ko ba, kelan kaya magiging pantay-pantay ang lahat. yun bang walang mahirap, walang mayaman.

Kung ako lang, allergic ako sa mga mayayaman. Lalo na yung akala mo kung sinong hindi HUMAN! Hello! Tao tayong lahat! Este tao kayo! Ako alien!

Kaya ang ginaagawa ko kapag ganyang makakadaupang palad ko ang mga matapobreng mayayaman, umiiwas ako. Kung 'di ko man sila maiwasan, kasi napasok ko na ang mundo ng mga mayayaman, at least marunong pa rin akong lumugar at iwas-iwasan ang mga daanan nila para hindi ko sila makita. Kasi kung nakikita ko sila, nananakit ang aking mga mata.

Ikaw? Allergic ka ba sa mga matapobreng mayayaman?

1 comment: