Yan, tapos na ang nakakalokang procedure ng the voting dito sa Pinas. Natapos na din ang tinatawag ng iba na sagradong araw. Why sacred/ Kasi nga, ang iba ay naniniwala na ang pagka-cast ng isa nilang boto ay napakasagrado.
Ang iba, naniniwala na pwede nilang baguhin ang sistema ng Pilipinas na sa sobrang tagal na, mukhang naging kadikit na ng bawat mamamayang Pilipino.
Kanya kanyang power tripping! Nakakaloka talaga. Hindi naman sa pakialamera ako sa mundo ah, pero napansin ko lang, sobrang talamak dito sa atin yung bumubuto na 'di naman talaga kilala yung taong ibinoboto nya. Kumbaga, ganito, kung ano na yung nakikita nila sa mga kaliwa't kanan nilang mga advertisements, yun na. Yun na talaga.
Yung iba naman, may mahilig sa vote buying. Ano 'to, lokohan talaga? Yung TIWALA mo, nabibili, ganun ba dapat?
Anuman ang maging katwiran ng iba, mali talaga yun. Sinasabi mong tumatayo ka sa tama, eh tumatanggap ka namn pala ng pera. Wala ding kwenta.
Heto pa, gaano kasiguro at ka-efficient yung mga machine machine na ginagamit? Napansin ko lang ha, sa kasagsagan ng botohan kahapon, ipinaflash na nila sa television yung mga unofficial number of votes. Ako mismo, nagugulat sa nangyayari. Over 12Million votes! Agad-agad! Unbelievable. And then, bigla nilang itinigil kasi nga mali daw. Nadoble ng system. Parang system error yung pagkakaintindi ko. Kasi kung bali-baliktarin mo man, kapag gumagamit ka ng sistema, tapos biglang may mali na konti, hindi ba tawag dun, "system error"? May kelangang ayusin.
Aantabayanan ko talaga ang resulta. I'm sure, madami nanamang magrereklamo.
Every year naman eh. Tingnan natin kung ano ang bago ngayong 2013.

No comments:
Post a Comment