Pataasan nanaman siguro ito ng pride.
Though nagbanggit na ng dapat gawin ng Pilipinas ang Taiwan, sa tingin ko, hindi pa rin sapat yung mag-sorry ka lang.
Kasi buhay na yung nawala. And in the first place, sino namang tao ang gustong i-accept agad-agad ang sorry ng taong nakapatay without the legal process.
Okay sige, sabihin na nating lahat ng tao may kapasidad na magpatawad agad. Pero ang hustisya sa mundo, nag-eexist. Hindi ko naman sinasabing hindi patawarin na Taiwan ang Pilipinas sa isyung kinakaharap nito ngayon kasi nakasalalay dito ang katahimikan ng lahat.
Almost 87,000 ang Pinoy na naninirahan at nagtratrabaho at may mga upcoming pa, tapos biglang nagkagulo. Ipit ang mga Pinoy doon. At ang matindi pa dito, ang pamilyang binubuhay nila dito sa Pinas ay apektado. kung wala silang kita na ipapadala sa Pinas, kawawa ang mga taong sinusuportahan nila.
So, ano nga ba dapat ang tamang gawin? Syempre, una sa lahat, humingi ng tawad. Bahala na muna sila kung tatanggapin nila yun o hindi. Pangalawa, suportahan financially yung pamilyang naiwan ng mangingisda.(kasalanan man nya yung nangyari o hindi, wala tayo doon sa lugar ng mangyari ang insidente.)(ANG SAKEN LANG, HUWAG MUNA SANA TAYONG MANGHUSGA HANGGAT DI NATIN ALAM ANG TUNAY NA NANGYARI.,MINSAN KASI, SA NATURAL NA KADALDALAN NG TAO, NAGIGING MAGULO ANG LAHAT)
Lahat naman siguro ng bagay, pwedeng madaan sa mabuting usapan. Basta yung mag-uusap ay parehong bukas ang isip at puso. Kasi walang kwenta ang pag-uusap kung utak lang ang bukas. Bakit? Paano ka makakapagpatawad kung sarado naman puso mo, di ba?
So, kung pwedeng idaan sa mabuting usapan, magheart-to-heart talk ang dalawang partido. Yung sila na mismo. Presidente ng Taiwan at Presidente ng Pilipinas.(na sa tingin ko malabong mangyari yun sa ngayon)
Pero dapat talaga mag-usap sila, para magkaalaman na. Yung sila talaga ha. Hindi yung pinapadaan lang nila sa mga representatives.
Kung gusto natin ng world peace, dapat natin itong pagtrabahuan ng mabuti.
Wag yung protektahan mo yung alam mong nakagawa ng mali.
Imbestigahan ang nangyari. Nararapat lamang yun. Para naman malaman ang pinag-ugatan ng lahat. Hindi sapat yung maniniwala lamang tayo sa sumbong.
Wala akong pinapanigan dito, kasi una sa lahat, wala ako sa pinangyarihan ng insidente. Pangalawa, ke nandun man ako o wala, kung talagang mangyayari yung ganun, kahit magwala pa ko at makialam sa kanila(madamay pa ako), kung nakatakdang mangyari yun, wala na akong magagawa. At pangatlo, walang cctv camera sa dagat na pupwedeng maging matibay na ebidensya sa nangyari. At pang-apat, bago ako pumanig sa kung kanino man sa dalawa, kelangan ko munang malaman ang totoong nangyari.
Pero sa ngayon, manonood muna ako ng balita. magbabasa ng diyaryo at magsasaliksik para kahit papano makakuha ako ng impormasyon na makabuluhan.

No comments:
Post a Comment