Friday, December 09, 2011

Pagsusulat



Sino ba sa inyo ang mahilig magsulat?
Sino naman sa inyo ang mahilig mag-isip ng mga maraming bagay tapos in the end, wala ka ring naisusulat?

Parang ako lang eh...hahaha
Mahilig talaga akong magsulat, at sa totoo lang, mayroon akong journal. Yang nasa larawan, yan yung isang journal ko.

Sobrang hilig ko sa pagsusulat kasi dito ko nagagawang ilabas lahat ng mga saloobin ko, masaya, malungkot, OA, gulat, at marami pang iba.

Naniniwala din ako sa kapangyarihan ng pagsusulat. Minsan yung mga bagay na di natin nasasabi sa harap-harapan ay pwede nating daanin sa sulat.

Minsan din pwede natin itong gawing sandata panlaban sa mga mapanuring linta na wala ng ibang ginawa kundi ang sumipsip sa mga kapwa nila. Pwede rin itong gawing isang shield kontra sa mga maaanghang na mga dila ng mga buwayang sakim sa lipunan. Sa totoo lang sobrang makapangyarihan nito, at dahil diyan, sobrang madaming tao na din ang napapahamak dahil dito, madaming naging sikat dahil dito, maraming natalo, madaming nakasuhan, madaming naakusahan, madaming nasira ang buhay, at madaming nabuhayan dahil dito. At kung titingnan ng mabuti, sadyang napakarami talaga ang dinulot at mga dudulutin pang mga bagay ang kapangyarihan ng pagsusulat.

Sa sobrang dami ng mga yun, panigurado ako doon, hindi na natin makayang kontrolin minsan, lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang katotohanan.

Minsan nakakalungkot isipin, na sa simpleng paglalabas ng katotohanan sa simpleng pagsulat at paglathala nito, madaming buhay ang pinitas mula sa kahoy na unti-unting tinutupok ng mga balahurang nilalang sa mundo.

Minsan nga yun pang mga inosenteng nilalang ang nadadamay. Asan ka pa?
Magsusulat ka pa ba?

Ako? OO. Magsusulat pa din ako. Ako kasi ito eh. Nabuhay ako at natutong magsulat. Kapag tumigil ako, baka ikamatay ko pa.

Ako, saludo ako sa lahat ng mga manunulat, sa larangan man yan ng mga literary, news, currrent events, sports atbp. saludo ako sa inyo! Lalo na sa mga inosenteng taong nawalan ng pagkakataong mabuhay sa mundo dahil sa pagsisiwalat ng mga katotohanan sa mundo.

Hiling ko lang, sana  katotohanan pa rin ang umiral dito sa mundo. :)
I HATE YOU ACCOUNTING!

Wednesday, December 07, 2011

Book Review #2


Book Title: "Ang Buhay na Hindi Bitin" by Eduardo O. Roberto, Jr.

I bought this book on December 2, 2011

click to close

                                How to Live Life Content, Blessed, and Worry-Free? Just grab a copy on this book.
                                Have you ever felt the feeling of being empty in a way that yes you have those earthly things in your life: your car, your successful business, your family, your high grades, high salary, bonuses, your career, your relationship and etc.but in the end of the day you keep on asking yourself that why is it you feel empty? You feel like there's something is missing in your life the fact that you have almost everything in your life.

                                I, too, sometimes feel that way.I bet, you also, at some point in your life, you feel this way- asking this question to yourself, "Why am I not contented?" 

                                 There are a lot of questions in my life-NOON! Pero ngayon, unti-unti ko nang nahahanapan ng mga kasagutan, hindi man yung instant na paraan pero paunti-unti. Kumbaga sa pagdaan ng mga araw, bigla na lang akong gugulatin ni Lord sa mga kasagutan na yun.
                                 
Noon kasi I used to live life according to what I know. Nagmamagaling sa buhay ika nga. Feeling ko palaging tama ako.*grins* Kaya ayon parati bang mukhang sablay na lang ang kinalalabasan in the end of the day. Tapos I used to find something which I don't really know what it is. Kumbaga maghahanap lang ako ng bagay na ewan ko.

                          Yun pala, ang hinahanap ko ay yung makakapagpuno ng kakulangang aking nararamdaman. Panu ko ba yun mahahanap?  
                            
                         Until such time dumating ako sa point na nagkakaroon na ako ng self-evalution before ako matulog. Kung noon, I used to like many things. I used to buy many things beyond what I really need just to be contented in my life. And regarding to my academic matters, I used to give my best so that I will not going to have my failing grades. I became successful on this matters I thought I can be able to feel wholly. But again, at the end of the day, that emptiness remains. Hindi kayang mapunan ng mga taong mahal ko at lalong hindi ng mga bagay dito sa mundo.

                         And then God show me the way. He gives me the copy of the book entitled " The Purpose Driven Life by Rick Warren." (soon I will going to have my book review about the book.)

                        And then again, napunta uli ako sa bookstore para magkaroon ng copy ng book na ito. "Ang Buhay na Hindi Bitin". Tapos ayon nanaman, sobrang nasiyahan uli ako sa pagbabasa nito. Kumbaga sa magulong katanungan ng mga tao, naisimplified na ang mga kasagutan dito.
Ang totoo nga, simple lang naman talaga ang kasagutan eh. It's for you to find out. Sasabihin ko later.

                       Meanwhile, I just want to share what I knew about the book.
                       It is a handy-inspirational-practical-biblical book that can change the way you see your life.
It is a booklet actually as you can see the picture of it above.

                       "Ang Buhay na Hindi Bitin" ay yung buhay na kahit madami kang mga problema, hindi ka nag-aalala. Wala kang worries. Hindi ka balisa. Your life is full of joy and contentment. Ito ay ayon sa author ng libro.

                        I second the motion!*SMILE*
                        Biruin mo yun! Mahirap di ba? Panu kay yun?
                        Ang masasabi ko lang "HINDI PO YUN IMPOSIBLE." Kasi nga posibleng mangyari yun sa buhay mo as long as you have Christ in your life. Ayan na, nai-reveal ko na. Ang simple di ba?

                      The author of the book also emphasizes that everyone has their own problems. At I second the motion rin uli. Tama naman eh, lahat tayo may problema. Kanya-kanyang problema. Yung iba ang problema nila ay yung problemahin ang mga problema ng iba. Kaya naman kung medyo nagsasawa ka na sa mga problema mo, don't worry, just keep this thoughts of mine in your mind. " Lahat tayo ay may problema, kung simuman ang walang problema ngayon kahit na yung maliit lang panigurado, may problema yung taong yun,. Hindi ka nag-iisa kasi marami tayo. Just try to live with it, fix it, and lastly, know how to surrender your life fully to God, so that you can be able to have a happy life."

                      Naipaalala ng librong ito saken (kasi nga may pagkaulyanin ako minsan) na dapat hindi tayo madiscourage sa buhay na mayroon tayo ngayon, kung poor ka, huwag kang makontento sa buhay na mayroon ka, ang buhay na bitin. Kasi kahit naman mahirap lang ang estado ng buhay mo as long as feel mo na kuntento ka sa buhay mo, solve ka na sa ganun, kesa naman yung naghihirap ka na nga tapos di mo pa alam yung salitang makontento, paano na lang ang buhay mo kapag ganun? As long as kung kaya mong makiagapay sa mundong ibabaw sa paraang maganda para sa ikakaahon mo, gumalaw ka. Kung mayaman ka naman at feeling mo hindi ka pa rin kuntento, huwag kang susuko, sadyang mayroong isang bagay kang nakalimutang gawin.
                      Heto lang naman yun eh, magkaroon ka lang ng isang napakagandang relasyon kay God, ay naku, sobrang magiging okey na ang buhay mo. Kasi nga oras na andiyan si God sa buhay mo, as long as you were recognizing Him as your creator and redeemer, He will surely protects you and He will surely gives you the things that you really need in your life.

                        May mas hihigit pa ba sa buhay na mayroong Panginoon na nagproprotekta sa'yo at nagmamahal ng higit pa kesa sa pagmamahal na kaya mong ibigay? Wala na di ba?

                        Kaya kung gusto mo magkaroon ng kapanatagn ng loob habang buhay ka pa, seek God. And surely He will find you.Jeremiah 29:13-14. Astig! Si God pa yung mag-hahanap sa'yo. Kasi nga parang ganun yung nangyayari sa buhay eh. Parang si God na lang parati yung naghahanap sa atin. Call God and He will answer you. ( I have a lot of testimonies that we really have a living God who is guiding us in to our everyday life.)

                       Mga ARAL na aking napulot sa libro:
1. Everyone has problems. Some have bigger problems than others but we all have them. Don't be discouraged. " For I know the plans I have for you",declares the Lord,"-Jeremiah 29:11
2.God made you for a reason. So you're not an accident. Kaya sa lahat ng mga nangyari sayo sa iyong nakaraan at mga mangyayari pa lang sa hinaharap lahat yun ay may purpose.
3. God loves you so much and He wants you to live a fulfilling ,joyful,and contented life despite the problems that you have.(naalala ko tuloy yung mga nabasa ko sa Bible)
4.Read John 10:10( heto yung isa sa mga nakapagpagising saken noon.. Na-refresh uli pagkabasa ko ng book na ito.)
5.There is no use worrying.
6. According to Blaise Pascal, "Father of Calculus," "Every man is born with a vacuum, an emptiness that can only be filled by finding God." Tama eh.
7. Read John 3:16. And be inspired. Kung akala nyo wala ng nagmamahal sa inyo, nagkakamali kayo.
8.Read John 3:15 Simple solusyon sa kasalanan, sa buhay, sa pagpunta sa langit.
9. Kung pagod ka naman. If you're tired, just read this verse. Matthew 11:28-30. Ayan, halos lahat ng mga nandito ay nabasa ko na sa Bible at hanggang ngayon naiinspire pa rin ako.
10.And heto ang pinakamatindi para sa mga taong gustong magbago, read 2 Corinthians 5:7. Heto naman yung verse na sobrang wagas yung epekto nito the moment na naging Christian ako sa pananampalataya.

                      Actually, marami pang nakalagay sa book. Kaya nga I want to recommend this one sa inyo.
At syempre, bago ko lagyan ng -fin- , gusto ko ring mag-iwan ng kaunting inspirational message.

                      "Tayong mga tao ay nilikha ng Diyos na kawangis Nya. Linikha Nya tayo out of His undying Love. Kaya sana huwag nating kalimutan na nandiyan Sya para sa atin at huwag lang sana natin Syang balewalain. Mahal Nya tayo at hinding-hindi Nya tayo iniiwan."

                      Thank God for everything. At may rason din kung bakit mo binabasa ito ngayon...

                      HAPPY READING. ANG GOD BLESS YOU!

Tuesday, December 06, 2011

Bakit? Why?

I used to sleep early during night time but this second semester I need to sleep late... every night just to read my lessons in advanced. I need to review very well because from Monday to Friday, I have my class starting 7:30 in the morning. Sharp. Late will be mark absent. So that's why I need to wake up super early to catch up... I'm used to it already but again, the usual thing, when it is already around afternoon, I feel so sleepy...hahaha

Well, that's life...


Anyway, I just love listening to GG's(Girls Generation) songs... I love Korean music, though I really can't understand it.

But anyway, try to listen on this video.-------->

They are so good and they are so cool and cute.

I need some sleep...


Ciao!

Sunday, December 04, 2011

I love smiling!

Smile Smile Smile! :))

I wanna see orange rose again...

I have a funny story that I soon will going to share here... I'm not yet ready because I am still on the state of shock! *grins*

I need to start a new life. I mean ,to start gaining new friends...


Saturday, December 03, 2011

Book Review



I bought this book on November 22, 2011.

               Actually, I've been hooked to this book right after my friend handed me his copy. He told me that I need to read this one, and upon seeing the title of the book "Ang Pera na Hindi Bitin" by Eduardo O. Roberto, Jr. I knew it... Right at that moment that I really need to read it... And since I am a freak collector of books, I went immediately to the bookstore and buy one so that I can have my own copy also. I finished reading it over night.  

               Once you started to read the first page, you cannot be able to stop on reading. That's the major effect of this book. A major page turner. A practical guide to manage your money and on how you can invest your money even just for a small amount. One thing that I like about the book is that, it is so handy that you can be able to bring it wherever you may go. Another is that, since I'm just only a student, it is really affordable to buy. And what I like the most in this book is that, it is not only a book to read just for fun, but it is a book full of knowledge and enlightenment. A book that I can recommend to everybody most especially those who were having a hard time managing their money or allowances.

                It teaches you on how to manage your money so God will entrust you with more. 
        
                Bitin ba lagi ang pera mo? Lagi bang kulang ang sweldo o allowance mo?

              If you need a guide on how to best manage your manoy, get this easy-to-read and practical book for yourself and your family -even your friends who are struggling or always borrowing money.


                The contents of the book emphasizes the seven Financial Stewardship Strategy:
Strategy#1 SAVE
                "Para makaipon ka ng iyong unang  milyon, kelangan mo munang magsimula sa pag-iipon ng piso-piso"  yan ang sabi ng author ng librong ito...
                  Tama naman e, dapat talaga na matuto tayong mag-ipon. Kahit paunti-unti lang, kung yun yung kaya ng bulsa o budget mo. Basta ang importante may naiipon ka para sa future mo. Habang ,maaga pa, dapat na magkaroon tayo ng savings.

Strategy#2 GIVE
                  Ngeks! Kasasabi lang na mag-ipon at mag-save tapos ngayon naman, biglang sasabihin na magbigay! Paano kaya yun?
                   Heto ang matindi dito, hindi rin lang pala dapat na matuto tayong mag-save ng mag-save, kelangan din pala natin na magbigay sa kapwa or sa mga nangangailangan. May verse nga sa Bible na nagsasabing "Magbigay kayo at kayo'y bibigyan." Read it fully sa Luke 6:38.
                    Kapag maluwag sa loob mo na magbigay ng tulong sa iba, God will going to give you more. Panigurado yun kasi nga nakasaulat na nga sa libro Nya sa Bible.
                     Honor the Lord and give back with a joyful heart. Be generous to your family and to the poor.

Strategy#3 GET OUT OF DEBT AND STOP BORROWING
                   Tama. Paano ka nga naman makakaahon sa limpak-limpak na utang mo kung palagi ka namang umuutang. So, habang maaga pa, settle all your credits and start surrendering your life kay God.Tama na ang UTANG!

Strategy#4 LIVE SIMPLY
                 Mamuhay ka ng simple. Siguro nga talaga. Ang batayan ng kaligayahan sa mundo ay yung pagakakaroon ng buhay na simple ngunit masagana. Aanhin mo naman yung sobrang pera kung di ka naman masama. At syempre gaya ng kasabihan "Money is the root of evil." Huwag tayong maging isang gastador kung gusto talaga nating makaipon. Kung maaari ay mamuhay tayo ng simple at iwasang gumastos ng mas malaki kesa sa income o sa perang mayroon tayo. Baka imbes na makaipon, mas lalo pang mabaon tayo sa utang. At syempre, saludo ako sa author ng book na ito sa sinabi nyang, "Pray before you pay". Parang ganito yun eh, bago mo gawin ang isang bagay o isakatuparan ang mga desisyon mo sa buhay, dapat ay magdasal muna at humingi ng guidance kay God.
             Kagaya ko rin siguro yung author ng book na ito na sobrang naniniwala sa kapangyarihan ng pagdarasal.
              Keep your expenses less than your income.

Strategy#5 MAGSIPAG, MAG-NEGOSYO
            Madami talaga akong napulot na aral sa mga sinasabi ng author. Kung kelangan natin ng pera, at kung kelangan nating makaipon, kelangan din ng sipag para magawa ang lahat ng mga ito. Mag-sideline. Mag-negosyo.
                         
Strategy#6 MAG-INVEST
              Mag-invest sa mga negosyo. At syempre, kung may pera lang din naman kayo na sapat para magtayo or mag-invest sa isang negosyo, then go for it... Pero siguraduhin nyo muna na bago kayo mag-invest ng pera sa isang negosyo, be sure that that business is legal, para safe ang pera nyo at magkaron kayo ng profit out of your legal business. Sabi nga ng author sa librong ito,"Investigate" before you invest para hindi maloko.

Strategy#7 EDUCATE YOURSELF
                Syempre dapat naman talaga tayong mag-aral para nga naman magkaroon tayo ng proper enough knowledge sa mga dapat nating gawin sa mga buhay-buhay natin. mag-invest sa edukasyon para sa sarili natin at para sa future natin
               Study and pray to God to bless you with enough wisdom to survive in your daily living. Read books and educate yourself.     


             Tunay nga naman na kapag nagkaroon tayo ng enough knowledge sa buhay at kung naniniwala tayo kay God, magkakaroon tayo ng masaganang buhay. If only, we learn to trust wholly to God, the giver of all, then surely, we can be able to live simply without the worries for the future.

Sobrang thank you dahil may rason talaga ang lahat ng mga bagay na angyayari sa buhay ng bawat tao. Kagaya na lang sa pagkakabili ko ng librong ito. And God really talked to me through this book kasi nga that time problemado ako sa allowance ko. Na-short nanaman ako that time pero yun nga, binili ko pa din ang librong ito.