Friday, December 09, 2011

Pagsusulat



Sino ba sa inyo ang mahilig magsulat?
Sino naman sa inyo ang mahilig mag-isip ng mga maraming bagay tapos in the end, wala ka ring naisusulat?

Parang ako lang eh...hahaha
Mahilig talaga akong magsulat, at sa totoo lang, mayroon akong journal. Yang nasa larawan, yan yung isang journal ko.

Sobrang hilig ko sa pagsusulat kasi dito ko nagagawang ilabas lahat ng mga saloobin ko, masaya, malungkot, OA, gulat, at marami pang iba.

Naniniwala din ako sa kapangyarihan ng pagsusulat. Minsan yung mga bagay na di natin nasasabi sa harap-harapan ay pwede nating daanin sa sulat.

Minsan din pwede natin itong gawing sandata panlaban sa mga mapanuring linta na wala ng ibang ginawa kundi ang sumipsip sa mga kapwa nila. Pwede rin itong gawing isang shield kontra sa mga maaanghang na mga dila ng mga buwayang sakim sa lipunan. Sa totoo lang sobrang makapangyarihan nito, at dahil diyan, sobrang madaming tao na din ang napapahamak dahil dito, madaming naging sikat dahil dito, maraming natalo, madaming nakasuhan, madaming naakusahan, madaming nasira ang buhay, at madaming nabuhayan dahil dito. At kung titingnan ng mabuti, sadyang napakarami talaga ang dinulot at mga dudulutin pang mga bagay ang kapangyarihan ng pagsusulat.

Sa sobrang dami ng mga yun, panigurado ako doon, hindi na natin makayang kontrolin minsan, lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang katotohanan.

Minsan nakakalungkot isipin, na sa simpleng paglalabas ng katotohanan sa simpleng pagsulat at paglathala nito, madaming buhay ang pinitas mula sa kahoy na unti-unting tinutupok ng mga balahurang nilalang sa mundo.

Minsan nga yun pang mga inosenteng nilalang ang nadadamay. Asan ka pa?
Magsusulat ka pa ba?

Ako? OO. Magsusulat pa din ako. Ako kasi ito eh. Nabuhay ako at natutong magsulat. Kapag tumigil ako, baka ikamatay ko pa.

Ako, saludo ako sa lahat ng mga manunulat, sa larangan man yan ng mga literary, news, currrent events, sports atbp. saludo ako sa inyo! Lalo na sa mga inosenteng taong nawalan ng pagkakataong mabuhay sa mundo dahil sa pagsisiwalat ng mga katotohanan sa mundo.

Hiling ko lang, sana  katotohanan pa rin ang umiral dito sa mundo. :)

No comments:

Post a Comment