Sunday, December 18, 2011

Mga kaganapan kahapon

Mga Elementary batch ko. Nagkaron lang kami kahapon ng maikling reunion sa bahay nila Aimee. Yung nag-iisang girl dito sa picture na 'to.


Kami nanaman uli. Start sa girl doon sa gilid, si Joan, Ako, si Aimee, si Rommel, at si Christian. Biruin mo naman, buhay pa kaming lahat. hahaha... Mga bata lang kami noon, pero ngayon, hayan at malalaki na kami. Medyo matured na din. hahaha.. 


Hayan, since naipakilala ko na kami. Heto yung isa pang barkada namin. Si Chad. Trying beki-pose lang sya dito. hahaha... Infairness natawa ako nang makita ko ang picture namin na 'to. Good job ms. photographer!...




Nakaraang man maituturing ngunit kapag dumating yung panahon na kayo ay muling magkikita-kita at mabigyan ng panahon na alalahanin ang mga bagay-bagay noon na nangyari sa mga buhay-buhay ng bawat isa,marerealized mo na lang na nakakatuwa na lang ang lahat ng mga yun. Magkakaibigan kayo noon, magkakaibigan pa rin kayo ngayon.

Maraming mga nagdaan, maraming nakalimutan, pero pagdating siguro sa mga kalokohan noon, walang nagiging ulyanin..


I wanna share this one, as a tribute for my batch mates na nakasama ko, sa mga makakasama pa lang at ewan na..


Hindi man lahat ay pareho ngunit may buhay tayo na sadyang ginawa at itinadhana ng Maykapal na kung saan lahat tayo ay pare-pareho.

Sadyang namiss ko ang mga kaibigan ko noon.

May mga timeline man ang bawat isa sa amin, kumbaga may kanya-kanya ng mundo, pero sana may time pa rin na, as one, we'll gonna be together..


Patintero blues: Di ka naman mauubusan ng oras sa pagtawid sa linya patungo sa tagumpay kasi may enough time ka namang ibinigay ni God just to make sure matatapos mo ang mga dapat mong gawin.

:) :) ;)


No comments:

Post a Comment