Tuesday, January 10, 2012

Orange Rose...

*Buwaya sa kalsada*

          Napadaan ako sa flower shop uli.... mga naggagandahang bulalaklak. Pang-akit sa mga mata ng mga taong nagdaraan. Pinakamatingkad pa din ang aking pansariling paborito sa lahat. Orange rose nga naman. Wala na akong pasok. Maaga pa naman. Gusto ko munang magmuni-muni. Napakadaming tao. Akala mo mga busy. Pero ang totoo, yung iba sa kanila nagpapakabusy lang. Nagsawa na akong kausapin ang sarili ko na ang  main subject ko ay ang mga di kanais-nais na mga nangyayari sa loob ng campus. mga sabotaheng nangyayari, di pantay na pagtrato sa mga estudyante, mga isyung kapupulutan talaga ng aral. Mga estudyane blues... Di pa ako isa sa kanila. May boses pa naman ako. Sa tulong ng aking pagsusulat. Ayaw kong magbulagbulagan sa mga nangyayari sa aking paligid. Di ako kontentong nakaupo lamang samantalang ang karapatan ko bilang isang tao na myiembro ng lipunan ay di na pantay at naaapakan na. Idadaan ko na lang sa sulat kamay.

         Salamat naman at masosolo ko na ang upuang ito. Dyahe lang kasi kapag may tumatabi saken na magsyota. Lantaran kumbaga. Ngayon ako’y , mag-isa. Nag-iisip ng mga bagay bagay na magpapasakit nanaman sa aking ulo. Di ko maiwasan na tumingin sa mga taong nagdaraan. Halo-halo, iba-iba... naisip ko tuloy, hanggang kailan ba ang ganitong daloy ng buhay ng tao... nababagot na ang aking pakiramdam. Gusto kong may gawin, pero sa ngayon ako’y tinamaan ng katamaran na pati ang sarili ko mismo di ko na mautusan. Magpapalipas lang ako dito. Heto nanaman, sabi ko na nga ba eh, parating na sila. Makaalis na nga, baka kung ano nanaman yung masaksihan ko. Uuwi ako bandang alas-kuwatro. Nauuhaw na ko. Makabili nga ng fruit shake. Kinse pesos, yun lang ang budget ko. Ayos! Nakita ko Small Fruit Shake-Php15. Gusto ko na tuloy makipagbuno. Sabihin ba namang Php25 na. Grabe! Sige na nga tamad ako ngayong araw na ‘to eh... Uhaw na uhaw na talaga ako at eto talaga ang gusto ko. Sa susunod magtutubig na lang ako. Yung tig-sampung piso! Ang hirap talaga ng buhay... Todo higpit sa paglalabas ng pera. May mga ibang tao, kala mo kung umasta di apektado ng krisis. Ang labas sa ganitong sitwasyon, pabor pa rin ito sa mga mayayamang patuloy na nagpapayaman, at ang apektado naman talaga ay ang mga taong mas mahirap pa sa daga ang buhay.

         Ayan na, sige na uuwi na ako. I need to deal with tricycle drivers. Bato bato sa langit ang tamaan sana bumukol. Naranasan mo na ba na sumakay ka sa tricycle nila, pagkatapos sisingilin ka nila ng sobra-sobra? Sila pa ang matigas, sila pa ang mataray... Naisip mo ba na di pa nag-iissue ng fare hike? Kahit piso lang ang sukli mo, kunin mo, sapagkat di kelanman mabubuo ang limang piso kapag kulang ng isang piso. Ang gusto ko lang naman na sabihin, hanggang sa patuloy nating kinukunsinti ang mga ganitong klase ng tao, mga abusado, ay patuloy sila sa paggawa nito. Pare-pareho lang naman tayo na tao. May nakasabayan pala ako noong isang araw na matandang lalaki. Dayo. Nakikipag-usap sa mamang driver ng tricycle, sabi ng matanda “ grabe kayo dito, kung maningil ng pamasahe daig pa ang konduktor ng bus. Sa lugar naming, doon sa  Hudlom City, kapag dayo ka doon at di mo alam yung pasikot sikot sa lugal, ihahatid at ihahatid ka  nila sa pupuntahan mo, kahit pa malayo yun, sisingilin ka lang nila ng tama.” Natatawa na lang ako sa matanda habang nakikinig sa kanyang litanya. Tama nga naman. Kung iisipin, kahit pala sa kalsada madaming nagkalat na buwaya. Di lang pala sa gobyerno meron ng ganun. Tama na ang lamangan. Kaya di  na siguro umunlad-unlad ang bayang sinilangan dahil patuloy tayong kumakain ng sobra-sobra. Sana naman di ako makatagpo uli ng isang buwayang sakim.

        Ayaw na ayaw ko yung nalalamangan... Next stop, bus station! Buti pa dito kahit papanu komportable ka, sulit mo pa ang bayad, dyahe lang kapag may mga center seat. Kompara sa hari ng kalsada (JEEPNEY), punuan na nga, di ka pa makaupo ng maayos. Ipit na ipit ka pa. Ang singil, ganun pa din. Tao nga naman talaga oo... Sabi ko nga kanina pa, lahat tayo ay pare-parehong tao. May kanya- kanyang pinagdadaanan sa buhay. Sino ba naman ang may gusto na palagi na lang nalalamangan ng kanyang kapwa?

           Nais ko lang mag-iwan ngayon ng isang simpleng mensahe : “Tao ka, may karapatan, gamitin mo ito upang ipaglaban ang iyong sarili sa anumang mga panglalamang ng iyong kapwa,sabihin mang maliit na bagay ang mga yun, tandaan lang palagi na ang  lahat ng maliit nakakapuwing, ang gatuldok na mantsa ay nakakadumi pa din.”


                                                                               



Repost


Para sa kaibigan ko... Kaya mo yan!


Dedicated to my friend, Ms. Ruby =)


Saturday, January 07, 2012

Dedication


Lets talk about LIFE


Life...it's not about how well you handle it by yourself, but it's all about on how determine you are in facing your fears as you make step forward.
It's not about how good you play with it, but it's about how focus you are to stay in the game.
It's not about how good you are in running when your enemy attack you, but it's on how powerful you are in facing them.
It's not only about how you speak, but it is also on how you deliver it and make it happen for real. It's not about how professional you are in dealing with different people who have different walks in life, but it is on how you put yourself into them,giving the best that you can in understanding them, even though they don't ever cared in understanding you.
It's not only about the heart that really matters, but,it is also with your brain,that two always go as one. And if you have succeeded to make that two as one,then,you'll end up very good in decision makings. It's not only seeing an assurance, but, it is on how you do it.
It's not only for the convenience,but also with this what-so-called risk takings. It's not about your capacity to continue living, but it's about the fate made by God. It's not about those trending, but it is all about you to assure it to yourself.
Always remember, in life...Good thing comes after the adversity.

                                                                                                                                  

A K O


Hindi ako matalino.
Hindi rin naman bobo.
Wala ngang sinabi.
Pero may sense ang sinasabi.

Malayo sa normal.
Mas lalo na din sa abnormal.
Kumbaga nasa pagitan lang.
Walang labis,walang kulang.

Isang mukhang ordinaryo.
Ngunit ang masasabi ko, "hindi ako ordinaryo".
Hindi ako isang hambog.
Na tulad ng isang tangang tatapak basta-basta sa bubog.

Tao ang turing sa sarili
Sapagkat ako'y 'di makasarili.
Nahuhusgahan ng marami
Bilang ganti,bigyan sila ng ngiting 'di mawari.

Sanay mag-isa.
Pwede ring may kasama.

Ngayon.ikaw na bumabasa.
Ginawa ito para papurihan ka.
Sapagkat kung akala mong ika'y nag-iisa.
Ika'y maling-mali at dapat mo na itong itama.

Ganyan lang talaga mga "teenager"
Palaging hanap ang "trigger".
Mapupusok sabi ng karamihan.
Ngunit naiintindihan naman ng iilan.

Basahin mo ito ngayon.
Ako, na ikaw na ngayon.
Ako, na isang tao.
May karapatang matuto.

Mula't sapol
Walang sinuman ang pwedeng tumutol.

Ako, na mayroong karapatan.
walang sinuman ang pwedeng dumungis sa aking pangalan.
Ako, na mayroong isip na matino.
Lalaking responsable at may matayog na prinsipyo.


Original composition of the author November Cabuena.               

LOVE QUOTES

ni BOB ONG

            Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.
          Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!
Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali, alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
              Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.
          Ang tenga kapag pinagdikit, korteng puso. Extension ng puso ang tenga. Kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal.
              Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.
             Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.
               Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ang sarili mo kung walang pwesto para sayo, eh meron namang hagdan ayaw mo lang pansinin.
              Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan. malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya. naunahan ka lang.
              Hiwalayan na kung di ka na masaya. walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.
            Pag hindi ka mahal ng mahal mo, huwag kang magreklamo. kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka… Kaya quits lang.
           Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din.
             Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..
          Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.
             Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.
             Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.
             Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.
             Mahirap pumapel sa buhay ng tao lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na napili niya.

Wednesday, January 04, 2012

Songs in TWILIGHT!!!


      























                                                       More songs to come!!! ENJOY!!!