Friday, March 23, 2012

I WILL SURVIVE!




This is my thing! And my thing is to survive and stay alive... ☺

Na na na na na... I don't know what will be my future, but one thing is for sure, as long as I am breathing, I will live and love until the end...

There are a lot of dismayed that I've been through this month, pero sa palagay ko, sadyang kailangan ko lang pagdaanan ang lahat ng ito...

Sabi nila,  ganito daw ang buhay. Halo-halo lang... Sakto, nakikibagay ito sa panahon ngayon. Summer na summer ang dating...

Sa wakas, tapos na namin ang mga exams, tapos na ba ang laban?
Para saken hindi pa. Nagsisimula pa nga lang ito... Basta wala na itong sukuan. Laban hanggang sa huli.

Estudyante. Ganito ang tawag ko sa sarili ng mga kulang kulang 12 buwan sa isang taon, at  Estudyante naman ng 2 buwan. Magkaiba nga lang sila ng ibig sabihin... 2 months akong magiging estudyante ng sarili ko mismo. Mag-aaral ako sa mga bagay-bagay sa pamamaraang alam ko... Yun lang.

Thank you pala sa nangunang magcreate ng music dito sa mundo... Bravo!!!  Sobrang naging malaking tulong yung music saken... Nakikinig at kumakanta na lang ako kapag sobrang depress na ako. In short, ang Music ang naging karamay ko sa mga panahong lugmok ako sa hirap ng buhay...☺



Loonie ft. Quest -Tao lang


Nagandahan ako ng sobra dito sa kantang ito.

Wag tayong apurado. Kapag ba tahimik, suplado/suplada na kaagad? hindi ba pwedeng pagod lang talaga?


Natapos na pala yung final examination-doomsday namin kahapo. Hayon, yung last exam namin, yung cost accounting, nakakamatay... Sobrang unfair... Madami akong classmate na umiyak ng bongga...Ayaw talaga naming maevict sa Management Accounting program... Umuwi kagad ako after the exam... Yung iba, naglamyerda magdamag at umuwi ng gabi... Pampaalis daw ng sama ng loob... Ako ang ginawa ko, kumain ako ng kumain ng bongga!!! Bakit ba kasi? That time di ko talaga alam kung ano ang aking nararamdaman... Pero heto ang sure ako, kagaya ng iba, malungkot din ako... 
Sino ba ang may gustong matanggal sa amin? Hayyy!!! Buhay parang Life!!! God is still good sa amin, kasi natapos na namin lahat ng mga kalbaryo namin.... Yung isang yun na lang ang sablay... Di bale, bahala ka na Papa God...

Bakasyon na at ako ay ewan ko.... hahaha.... Di naman ako excited sa bakasyon... Wala lang... 2months nanaman akong magkukulong sa bahay....


Pero heto na siguro ang pinakamatindi, MABABASA KO NA YUNG MGA LIBRONG NAG-HIHINTAY SAAKIN!!!    GUSTO.KO.PALANG.MAGKARON.NG.COPY.NG.COUNT.OF.MONTE.CRISTO!!!!!!!


Friday, March 02, 2012

Keep on believing...

Photo by: November Cabuena; Heart-shape stone






                                                              
Keep on believing. Yun yung survival lingo ng isang taong medyo alanganin na sa kanyang sarili. Yun bang parang lahat na ng kanyang makakaya ay ibinigay na nya. Ang kaso, parang walang silbi pa din... Keep on believing!

I've witnessed the breathtaking sunset kahapon, kasama ko yung dalawa kong kaibigan... Sobrang ganda lang talaga ng view... Sobra!

Realizations: Dapat magsurvive ako para makakita uli ng mga maraming sunset. Para makakita ako ng marami pang hues ng clouds... Dapat na i-enjoy ang buhay kasi nga 'di natin alam ang mga pwedeng mangyari sa hinaharap... Dapat na habang may time pa ako dito sa earth, I need to spend it sa mga taong  mahal ko. Let them know na MAHAL NA MAHAL KO SILA!!!♥♥♥

Gusto ko pang  mabuhay ng matagal Lord God! ☻

Gusto ko pang makakita ng maraming sunset, sa iba't ibang mga lugar...
Gusto ko pang maging wine connoisseur... Asa pa ako! hahaha

Pero seriously speaking, I will live longer po ha?

Gusto ko pa po syang makilala ng lubusan. Gusto ko pong makasama pa sya ng sobrang tagal. at alam mo na po kung ano yung dahilan ko... ☺☺☺

Hindi po ako nalulungkot sa lagay na ito. Kumbaga ang aking pakiramdam ngayon ay maihahalintulad ko sa sarili ko. Nasa in-between palagi ang aking nararamdaman. Yung safest place kumbaga para walang komplikasyon...  ☺

Gusto ko lang maglabas ng mga nararamdaman ko at the same time yung mga opinyong nananahan sa aking isipan ngayon... ☺



Live. Laugh. Love.  ♥♥♥