Nagandahan ako ng sobra dito sa kantang ito.
Wag tayong apurado. Kapag ba tahimik, suplado/suplada na kaagad? hindi ba pwedeng pagod lang talaga?
Natapos na pala yung final examination-doomsday namin kahapo. Hayon, yung last exam namin, yung cost accounting, nakakamatay... Sobrang unfair... Madami akong classmate na umiyak ng bongga...Ayaw talaga naming maevict sa Management Accounting program... Umuwi kagad ako after the exam... Yung iba, naglamyerda magdamag at umuwi ng gabi... Pampaalis daw ng sama ng loob... Ako ang ginawa ko, kumain ako ng kumain ng bongga!!! Bakit ba kasi? That time di ko talaga alam kung ano ang aking nararamdaman... Pero heto ang sure ako, kagaya ng iba, malungkot din ako...
Sino ba ang may gustong matanggal sa amin? Hayyy!!! Buhay parang Life!!! God is still good sa amin, kasi natapos na namin lahat ng mga kalbaryo namin.... Yung isang yun na lang ang sablay... Di bale, bahala ka na Papa God...Bakasyon na at ako ay ewan ko.... hahaha.... Di naman ako excited sa bakasyon... Wala lang... 2months nanaman akong magkukulong sa bahay....
Pero heto na siguro ang pinakamatindi, MABABASA KO NA YUNG MGA LIBRONG NAG-HIHINTAY SAAKIN!!! GUSTO.KO.PALANG.MAGKARON.NG.COPY.NG.COUNT.OF.MONTE.CRISTO!!!!!!!
No comments:
Post a Comment