Photo by: November Cabuena; Heart-shape stone |
Keep on believing. Yun yung survival lingo ng isang taong medyo alanganin na sa kanyang sarili. Yun bang parang lahat na ng kanyang makakaya ay ibinigay na nya. Ang kaso, parang walang silbi pa din... Keep on believing!
I've witnessed the breathtaking sunset kahapon, kasama ko yung dalawa kong kaibigan... Sobrang ganda lang talaga ng view... Sobra!
Realizations: Dapat magsurvive ako para makakita uli ng mga maraming sunset. Para makakita ako ng marami pang hues ng clouds... Dapat na i-enjoy ang buhay kasi nga 'di natin alam ang mga pwedeng mangyari sa hinaharap... Dapat na habang may time pa ako dito sa earth, I need to spend it sa mga taong mahal ko. Let them know na MAHAL NA MAHAL KO SILA!!!♥♥♥
Gusto ko pang mabuhay ng matagal Lord God! ☻
Gusto ko pang makakita ng maraming sunset, sa iba't ibang mga lugar...
Gusto ko pang maging wine connoisseur... Asa pa ako! hahaha
Pero seriously speaking, I will live longer po ha?
Gusto ko pa po syang makilala ng lubusan. Gusto ko pong makasama pa sya ng sobrang tagal. at alam mo na po kung ano yung dahilan ko... ☺☺☺
Hindi po ako nalulungkot sa lagay na ito. Kumbaga ang aking pakiramdam ngayon ay maihahalintulad ko sa sarili ko. Nasa in-between palagi ang aking nararamdaman. Yung safest place kumbaga para walang komplikasyon... ☺
Gusto ko lang maglabas ng mga nararamdaman ko at the same time yung mga opinyong nananahan sa aking isipan ngayon... ☺
Live. Laugh. Love. ♥♥♥
No comments:
Post a Comment