Itago na lang natin sila sa mga palayaw na Compli at Cated
Sobrang napakamahaderang freak lang ako kung makapagpost ng mga ganito istorya...
Anyway, I've already ask permission to Compli to publish her story...
She's a very good friend of mine, so I will going to do this one...
Heto pala ang gustong sabihin ng aking kaibigan este yung nararamdaman pala nya...
Dear IKAW,
Minsan nararamdaman kong para bang napakalayo mo na...Guni-guni ko lang ba yun?
Minsan pa mga kahit sabihin mong mahal mo ako, pero hindi ko naman maramdaman, kasi nga parang iba na...Ewan ko kung ako ba yung iba, or ikaw yung nag-iba...Kahit ba na sabihin ko ring mahal kita, di ko rin naman maipakita... Minsan kapag gusto kitang makita at namimiss na kita, gumagawa ako ng paraan para makasama ka... Pero habang lumilipas ang mga araw, para bang palagi na lang ako... Kaya ng minsan kapag sinasabihan mo ako na namimiss mo na ako, hindi na ako naniniwala, kasi nga, ako pa din yung taong mas naniniwala sa mga ipinapakita ng isang tao...Too bad, wala man lang akong makitang effort sayo na talagang magpapatunay na namimiss mo ako...
Pwede ko na bang sabihin na just keep it up, malay mo isang araw may pumalit na sa pwesto mo sa buhay mo...
OO, kaya ko talaga ang sarili ko, pero minsan gusto ko ding may taong magpaparamdam na ako ay mahalaga...Di ko na yun maramdaman sayo eh...Nasaan ka na ba?
Ayaw kong magbulag-bulagan na... Nagpapasalamat pa din ako sa mga mahal kong tunay na kaibigan, dahil sila ang naunang nakapansin ng konting uka sa kung anumang relasyong meron tayo... Sa una talaga pinagtatanggol talaga kita, pero ngayon, ayaw ko ng magsalita pa...
Mas mabuti na din siguro yun para di na ako makaramdam ng kalungkutan, sawa na ako sa pagiging malungkot...
Sana, kung nasaan ka man ngayon, mag-ingat ka na lang at sana pakaingatan mong huwag manakit ng damdamin ng taong minamahal mo...
P.S.
Okay na ako. Gusto ko lang ilabas ang kung anumang hinanakit ng kalooban ko, hindi sayo ngunit sa mga pagkakataong nasayang ng wala man lang pag-uusap na nangyari...
MAHAL KITA.