Monday, November 07, 2011

Thunder somersault

by ME on Tuesday, July 19, 2011 at 8:18pm


Madaling araw ako nagising-dahil yun sa NAPAKALAKAS NA KULOOOOG+TIGIL-BIRA na buhos ng ulan. Nagulantang talaga ang buong diwa ko. Ang panaginip ko na malupet[pero sa kasawiang palad,nalimutan ko na]ay biglang nagsipagtalbugan. Maaaring sa panaginip na iyon,nagsasayaw ako ng kundimang mahirap sayawin, maaari rin namang ako'y nakikipaghabulan sa mga balang walang mintis kung bumaon sa katawan ng mga naaagnas na buwaya na asido ang laway na kumikitil hindi lamang sa mga dam0ng ligaw sa parang na kung tawagin ko ay savanna kundi pati na sa mga makukulay na mga rosas. Maaari ring nagmamaneho ako ng kotse de-gulong na walang kwenta ang mga gulong sapagkat di ako makausad usad sa lugar kung saan salat sa kahirapan, puno ng kasakiman at walang humpay na payabangan. Maaari rin namang ako'y namamakiyaw ng kahirapan kapalit ng sang lib0ng pilak na may pakpak, di pa nakakarating sa kinauukulan pero ito ay naiwaldas na..ayan. End-of-my-thinking-capacity!
Sa dami ng nangyari sa araw na ito, ang tanging nakapagbaliktad sa katinuan ng dreaming-state-of-mind ko ay yung KULOG NA SADYANG KAGULAT GULAT!

Gusto ko lang sabihin: ang problema, problema yan eh. Kaya dapat wag mo na lang problemahin para wala kang problema.

Somersault. Somersault!
Somersault?

Nakoow! Sadyang minsan nakakagulat ang buhay na hatid sa atin ni God.

No comments:

Post a Comment