Segway lang saglit... Naalala ko lang, bilang isang taong ulyanin... linagay ko yung totoong mukha ko dito... Kamusta kaya yun? hahaha... Eh di muntik na akong mabuking ng madlang people! Sa waks, napalitan ko na din... ipinalit ko si Naruto... Ang kinahihiligan kong anime...
Okay!
I'm beginning to enjoy my day again...
And since I'm practicing my writing skills, I wanna write now, and then again ewan ko na...[SABOG]
Mamaya na ako uuwi kasi tinatamad pa akong umuwi at dahil diyan, magpapakawala nanaman ako ng pera para sa net. Di naman ako ganito talaga, minsan lang kapag inaatake ako ng katigasan ng ulo...
Gusto ko lang magbigay ng opinion ko patungkol sa mga bagay-bagay sa mundong tinitirahan ko... Ngayon, gusto kong talakayin ang isang simpleng bagay lang, na kung titingnang maige, actually, hindi naman talaga simple... Medyo may pagka-complicated...<gaya ko...hahaha>
Makikisabay na rin ako sa uso.."HAPPY HOLLOWEEN!"
Pero sana, sa kabila ng kaliwa't kanang pagsasaya, wag naman sana nating kalimutan ang tunay na diwa ng UNDAS. Na ang mga kaluluwang nahimlay na ang katawan ay nangangailangan ng mga mataimtimang pagdarasal ng mga taong buhay na nasa ibabaw ng lupa. Na silang mga nauna na ay kelangang maramdaman din nila sa pamamagitan ng ating mga inaalay na mga dasal na sila ay ating minamahal. Nawala man ang katawang lupa nila ngunit naiwan pa din sila dito sa ating mga puso. Actually, minsan dinadaan na lang yata natin sa ngalan ng ating kulturang pinoy na tuwing UNDAS,may Party, at kung ano ano pa. Na parang kapag dumating ang UNDAS tsaka na lang natin sila naaalala sa kabila ng katotohanang,sa araw araw, dapat inaalala pa din natin silang ipagdasal. Ewan ko lang ha,pero heto yung nagiging pananaw ko na ayon na din sa naoobserbahan ko.
Siguro nga iba- iba talaga ang mga tao. May mga taong nasa harap na nga ang katotohan ngunit nagbubulagbulagan pa din...
At may mga taong, alam na nga ang katotohanan pero sa halip na umiwas ay nanatiling parang tuod na kala mo'y walang alam sa katotohanan.
Meron yung taong walang alam sa katotohanan pero sobrang pursige naman sa paghahanap ng katotohanan.
At ang huling babanggitin ko...hula ko,madaming ganito. Mga taong di naman bulag sa katotohanan, imbes na magpursige at matutong dumilat para mahanap ang katotohan pero anong ginagawa? Wala! Nananatili pa ding pikit at hinahayaang dumaan na lang ang panahon.
Sabi nga nya, aanhin ko pa ang katotohanan kung ako lang ang tutuwid ang daan?
-end-
No comments:
Post a Comment