Friday, September 20, 2013

Pilipinas

Kabaha-bahala
And bawat nangyayari sa ating bansa
Luzon
Visayas
Mindanao...
LuzViMin may binabaha
LuzViMin may giyera

Bakbakan sa Zamboanga
Awayan sa isla

Tigok na si lolong
Ngunit may bagong buwaya
Ang kaibahan lang ni lolong dito
Sya ay tao, si lolong ay hayop

Buwaya sa Manila
Kalat sa talipapa
Basura sa bansa

Balahura
Sakim
Mapusok
Walng-puso...

Gising Pilipinas!!!
Gasgas na ang mga daliri sa kakasulat
Mula pa sa kapanahunan ni Rizal

Tinik sa lalamunan
Kalat ng lipunan
Walang awang mga nilalang

Gising Pilipinas!!!
Imulat ang mga mata
Sa totoong kaganapan

Sakim
Walang pakiramdam
Masalimoot na katotohanan

Gising Pilipinas!!!
Mga batang gustong makapag-aral
Lalangoy sa dagat
Paaralang ilang bundok ang layo
Nilalakad ng mga kawawang nilalang
Lolo, lola, mamatay na nga lang
Sa kalsada pa
Masalimoot na buhay.
Si Juan matitigok na
Nasaan na ang mga proyektong gamot?
Para daw sa mahihirap kamo?
Pero nasaan na ba ang mga ito?

Gising Pilipinas!!!

Mapanlinlang
mapangahas
Nagtatago sa madla

Ano ngayon ang napala?
Wala.
Wala.
Wala.

Huli na sa akto
Sumisigaw na ang mga tao
Sapagkat sumisingaw na ang baho

Ang tanong ngayon
Sino sino ang kanyang mga katoto?

Ang mga tao ay nag-aabang
Nagagalak
Nagsasaya
Nagtatanong
Nag-aalala.

Nag-aabang sa gagawin ng Pinuno
Nagagalak sapagka't huli na sila sa akto
Nagsasaya sa nakikitang pag-asa
Nagtatanong sa mga dambuhala
At labis na nag-aalala
Kung may patutunguhan ba ang kaso o wala

Sapagka't bali baliktarin mo man ang lahat
Ang kawawa pa rin dito
Ay ang mga taong mula't sapol
Paghihirap ang dinanas.

Gising Pilipinas!!!


Monday, September 16, 2013

The last time...

The last time I checked my pulse...
I'm still alive.
I can still feel it.

I'm young and fierce.
I have a lot of things to do, and before I will regret anything in my life, I should try and experienced them all. Well at least I'll try. :)

:)